hi Renka Emai,
salamat sa pagdalaw sa blogsite ko.. :) madalas din mangyari sakin yan. hehe. i dont know if its applicable to all writers pero sakin kasi isa lang ang dahilan kung bakit hindi ko matuloy-tuloy ang isang novel or kung bakit ako nasa-stuck sa isang eksena - may mali sa sinusulat mo. Its either:
1. ayaw nung characters mo sa huling eksena at gusto niyang palitan mo
2. ayaw nung hero/heroine mo sa name nila
3. ayaw nila sa character profile na binigay mo.
kapag napinpoint mo kung alin sa tatlo ang problema, magtutuloy-tuloy na yan. :)
'Yan ang reply sa akin ni Ate Maan Beltran (PHR & MSV writer) nang ako ay humingi ng advice sa kanya tungkol sa pagsusulat. Ikaw na nagbabasa nito ngayon. Hulaan mo ang problema ko. Kaya mo? HAH? KAYA MO?! Joke.
Eto. Malupit ang problema ko. Kasi, hindi ko alam ang problema ko! :D Ganda 'no? Basta! Gano'n kahirap ang problema ko ngayon. Siguro nga mas mahirap pa ito kaysa doon sa long test namin kanina sa Analytic Chemistry. Masakit sa 'yun sa ulo. Pero mas masakit naman ito sa puso. Nagigiba ang self-esteem ko. Pati pangarap ko. Aray~
Alam mo 'yung feeling na kailangan nong tapusin itong first ever serious manuscript mo pero nang nasa kalagitnaan ka na, saka naman inatake ng katam(aran) ang imaginative part ng utak mo? Parang, "syeyt, bakeyt? Saan? Saan ako nagkamali?" Kanta 'yun. Ano ka ba? Haaaaay!
Ang sakit-sakit talaga... Ng tiyan ko. At ulo. At puso. Break na muna tayo! :P Break sa pagsusulat. Single ako. :D Hahaha. Tumawa tayong lahat. Nag-joke ako. Hi nga pala kay Jenielyn K. Peña na nagbabasa ngayon, sana. :P Call me soon.
Post kayo ng mga pwedeng dahilan kung bakit nawala ang aking amor sa pagsusulat. Bilis. BILIS! :D